Tunay na Kami ay sumubok sa kanila kung paanong sumubok Kami sa mga may-ari ng hardin noong sumumpa ang mga ito na talagang pipitas nga ang mga ito doon pagkaumaga.
sa Araw na may itatambad na isang lulod [ni Allāh] at tatawagin sila [na mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw] tungo sa pagpapatirapa ngunit hindi sila1 makakakaya.
Nagtataimtim ang mga paningin nila, may lumulukob sa kanila na isang kaabahan samantalang sila nga dati ay inaanyayahan sa pagpatirapa habang sila ay malusog.
Kaya hayaan mo Ako at ang sinumang nagpapasinungaling sa pahayag [ng Qur’ān na ito]; mag-uunti-unti Kami sa kanila [tungo sa pagdurusa] mula sa hindi nila nalalaman.
Kung sakaling hindi nakaabot sa kanya ang isang biyaya mula sa Panginoon niya ay talaga sanang ihinagis siya sa kahawanan samantalang siya ay pinupulaan.
Tunay na halos ang mga tumangging sumampalataya ay talagang magpapadulas sa iyo sa pamamagitan ng mga tingin nila noong nakarinig sila sa paalaala [ng Qur’ān] at nagsasabi sila: “Tunay na siya ay talagang isang baliw.”