وَيَوۡمَ
ٱلۡقِيَٰمَةِ
تَرَى
ٱلَّذِينَ
كَذَبُواْ
عَلَى
ٱللَّهِ
وُجُوهُهُم
مُّسۡوَدَّةٌۚ
أَلَيۡسَ
فِي
جَهَنَّمَ
مَثۡوٗى
لِّلۡمُتَكَبِّرِينَ
٦٠
Sa Araw ng Pagbangon, makikita mo ang mga nagsinungaling laban kay Allāh1 habang ang mga mukha nila ay nangingitim. Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga nagpapakamalaki?