Nagsabatas Siya para sa inyo mula sa relihiyon ng [ Islām na] itinagubilin Niya kay Noe, ng ikinasi sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] at anumang itinagubilin kina Abraham, Moises, at Jesus, na [nagsasabi]: “Magpanatili kayo ng Relihiyon at huwag kayong magkahati-hati rito.” Lumaki [sa bigat] sa mga tagapagtambal ang ipinaaanyaya mo sa kanila. Si Allāh ay humalal para sa Kanya ng sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya ng sinumang nagsisising bumabalik [sa pagsisisi, pagtalima, at lahat ng mga nauukol sa kanila].