Sabihin mo sa mga babaing mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila,[6] mangalaga sila sa mga ari nila,[7] huwag silang maglantad ng gayak[8] nila maliban sa nakalitaw na mula rito,[9] magpaabot sila ng mga belo nila sa mga dibdib nila, huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa mga asawa nila, o mga ama nila, o mga ama ng mga asawa nila, o mga lalaking anak nila, o mga lalaking anak ng mga asawa nila, o mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, o mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, o mga kapwa babae nila, o mga [aliping] minay-ari ng mga kanang kamay nila, o mga tagapaglingkod na hindi mga may pagnanasa kabilang sa mga lalaki, o mga batang lalaking hindi nakabatid sa mga kahubaran ng mga babae. Huwag silang magpadyak ng mga paa nila upang malaman ang ikinukubli nila mula sa gayak nila. Magbalik-loob kayo kay Allāh nang lahatan, O mga mananampalataya, nang sa gayon kayo ay magtatagumpay. 1